Apelang Medical Examinations Ni Dating Sen. Jinggoy Estrada, Pinayagan Ng Sandiganbayan

12

MANILA – Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ni dating Senador Jinggoy Estrada na sumailalim sa ilang medical examinations.Batay sa mosyon ni Estrada na inaprubahan ng Sandiganbayan, sasailalim ang dating mambabatas sa M-R-I at X-ray.Bukas ang inaprubahang schedule ng MRI at X-ray ni Estrada, subalit kailangan pang i-check kung anong oras ito maaring gawin.Batay sa pahayag ng doktor ni Estrada, siya ay may patello femoral pain syndrome na siyang dahilan kung bakit sumasakit ang kaliwang tuhod nito.Si Estrada ay kasalukuyang nasa detention cell sa loob ng camp crame, dahil pa rin sa kinakaharap nitong kaso kaugnay sa pork barrel scam.

Facebook Comments