Apila ng ilang grupo na buksan pansamantala ang Payatas sanitary landfill pinag-aaralan na ng QC Govt. at DENR

Manila, Philippines – Masusing pinag-aaralan ngayon ng QC Govt. at ng Dept. of Environment and Natural Resources ang panawagan ng ilang grupo na buksan pansamantala ang Payatas Sanitary Landfill upang hindi magkasakit ang mga residente ng QC sa tambak ng mga basura na hindi nahahakot at naitatapon.

Ayon kay QC Administrator Aldrin Cuña magpupulong pa sila kasama ang mga opisyal ng DENR upang talakayin kung pupuwedeng ikunsidera ang panawagan ng ilang grupo na payagan silang magtapon ng basura sa Payatas Sanitary Landfill para hindi sila magkasakit sa amoy ng mga tambak ng basura na hindi pa naitatapon ng QC Govt.

Nilinaw ni Cuña na ang MMDA ang nagpasara ng Payatas Sanitary Landfill kaya dapat sila ang gumawa ng paraan kung papaano maresolba ang naturang usapin.


Una rito umapila ang ilang grupo sa QC Govt. at DENR na ikunsidera ang kanilang apila na payagan muna pansamantala na maitapon ang mga basurang nakatambak sa QC.

Umalma naman ang mga residente ng QC sa mga tambak ng basura na hindi nahahakot dahil nangangamba sila na baka magkasakit ang kanilang mga pamilya.

Facebook Comments