APILA SA DISKWENTO NG MGA ESTUDYANTE, KAILANGANG TUTUKAN!

Baguio, Philippines – Umapila ng Full o Partial Discount para sa mga miscellaneous fees ng mga estudyante, ang lokal na gobyerno ng siyudad ng Baguio, sa mga pinuno ng Higher Education Institutions (HEIs), bilang parte ng plano gobyerno, kung saan ilang mga karagdagang fees ang hindi na kailangan para sa pagsasagawa ng pinagsamang online at face-to-face classes o online classes lamang, para sa darating na new normal.

Kailangang din pag-aralang mabuti ng HEIs ang nilagdaang Resolution No. 361, series of 2020 kung saan nakasaad ang pagbabawas o pansamantalang pagtanggal sa mga athletic, audio-visual, cultural, dental and medical, library, laboratory at internet fees, na mga saklaw ng miscellaneous fees, para hindi maperwisyo ang mga estudyanteng biktima ng pagbaba ng ekonomiya sa bansa dahil sa nararanasan nating pandemya.

Ayon sa alkalde, ang edukasyon ay karapatan ng bawat Pilipino, kaya hangga’t may solusyon ang gobyerno, may paraan para makabalik sa pag-aaral ang lahat ng estudyante.


Facebook Comments