Hindi pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ng ‘Batang Quiapo’ na makasali bilang party-list sa 2025 Midterm Elections.
Sa desisyon ng Comelec En Banc, wala raw naipakitang matibay na ebidensya ang grupo para kumatawan sa anumang uri ng sektor.
Sabi pa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, bigo ang ‘Batang Quiapo’ na patunayan kung anong grupo ang kanilang irerepresenta o kakatawanin sa Kongreso.
Muli namang nagpaalala ang poll body na mas mahigpit na sila sa pagsala sa mga aplikasyon ng mga gustong maging party-list.
Ayon kay Garcia, marami raw kasing mga aplikasyon na isinusunod lamang sa mga sikat na TV show ang pangalan ng Party-list pero hindi naman talaga kumakatawan sa tunay na representasyon.
Facebook Comments