Aplikasyon ng mga healthcare workers na mangingibang-bansa, magiging “first come, first serve” ayon sa POEA

Tiniyak ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na hindi magagamit sa korapsyon ang ipatutupad na “first come first serve” policy sa pagde-deploy ng mga healthcare workers abroad.

Dahil ito sa inaasahang pag-uunahan ng mga manpower agency dahil sa limitadong bilang ng mga nurse na papayagang makalabas ng bansa kada taon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na gagamit ang ahensya ng online appointment system kung saan ipo-proseso ang dokumento ng mga aplikante.


“Lahat po ng ipo-proseso pumapasok sa online appointment lalong-lalo na yung pag-a-approve ng kanilang application at job orders. Kapag umabot na ng 5,000 awtomatikong hihinto ‘yon,” ani Olalia.

Matatandaang inalis na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang temporary deployment ban ng mga Filipino healthcare workers dahil sa pagbaba sa naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw.

Bukod sa mga dati nang may kontrata, pwede na ring magtrabaho sa ibang bansa ang mga bagong aplikanteng health workers.

Facebook Comments