Aplikasyon ng Pfizer sa Pilipinas, posibleng aprubahan na ng FDA bago ang Enero 2021

Posibleng aprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Pfizer sa Pilipinas bago matapos ang Enero 2021 para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, aabutin pa ng dalawang linggo ang evaluation sa aplikasyon na natanggap nila bago sumapit ang Pasko.

Mayroon namang hanggang unang linggo ng Enero ang mga evaluators at pagkatapos ay isasagawa ang consolidation sa report bago mailabas ang otorisasyon.


Samantala, sa ngayon binigyan na ng China ng conditional approval ang bakuna kontra COVID-19 ng Sinopharm ayon sa National Medical Products Administration.

Ang bakunang ito ng China National Biotec Group (CNBG) ang itinuturing na kauna-unahang bakunang inaprubahan para sa publiko sa China.

Una nang nagbigay ng emergency use ang China nitong Hulyo para sa tatlong magkakaibang bakuna para sa mga essential worker at mga nasa high-risk.

Facebook Comments