Hanggang ngayong araw na lamang ang pagtanggap ng Commission on Election (COMELEC) ng accreditation sa foreign at mga domestic observer para sa idaraos na plebisito sa Palawan sa March 31,2021.
Sa sandaling makumpleto na ang requirements ng mga aplikante at agad namang ilalabas ng komisyon ang kanilang Accredited Observer Passes.
Nagbabala naman ang COMELEC na kapag may nalabag ang observer sa mga panuntunan ng komisyon ay kukumpiskahin ang kanilang passes
Partikular na ipinagbabawal ng poll body ang ano mang pakikilahok ng observers sa anumang political interests.
Unang binuksan ng COMELEC ang pagtanggap ng aplikasyon para sa accreditation ng foreign at local observers nitong February 8,2021.
Layon ng plebisito sa Palawan na makuha ang pulso ng mamamayan doon hinggil sa paghahati dito sa 3 lalawigan.