Aplikasyon para sa agricultural free patent sa DENR-LMB, hanggang Disyembre 31 na lang

Pinaalalahanan ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang publiko na nais makinabang sa agricultural free patent program ng gobyerno na mayroon na lamang sila hanggang katapusan ng buwan upang magsumite ng kanilang aplikasyon sa lahat ng Community Environment and Natural Resources Office sa buong bansa.

Ang agricultural free patents ay ang mga lupang ibinigay sa natural-born Filipino citizen na may hanapbuhay na pagbubungkal ng lupa sa loob ng 30 taon at mayroong hindi tataas sa 12 hektarya at nakapagbabayad din ng karampatang real property tax.

Ayon sa Land Management Bureau (LMB), hindi na muling tatanggap ang CENROs ng aplikasyon pagkatapos ng Disyembre 31, 2020 deadline.


Ayon kay LMB Director Emelyne Talabis, kabilang sa mga kinakailangan sa aplikasyon para sa agricultural free patents ay ang mga sumusunod:

  • Duly accomplished application form;
  • Tax Declaration, Deed of Sale, Extra Judicial Settlement or Waiver of Rights;
  • Certification mula sa Municipal Circuit or Regional Trial Court na nagpapatunay na walang pending land registration case ang inaaplayang parsela ng lupa
  • Approved Survey Plan with Technical Description or Form V37, if covered with isolated survey;
  • Certification of status of land mula sa Land Registration Authority,
  • Certification na nagpapatunay na ang parsela ng lupa ay alienable and disposable; at dapat ay may kalakip na
  • Documentary stamp
Facebook Comments