Aplikasyon para sa Ivermectin, mainam na agad siyasatin at tugunan ng FDA

Binabalangkas na ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang isang resolusyon na hinihikayat sa Food Drug Administration o FDA na agarang siyasatin at tugunan ang aplikasyon para sa pag-manufacture ng gamot na Ivermectin maaaring gamitin laban sa COVID-19.

Bagama’t hindi eksperto sa medisina, ay maraming nakakausap si Revilla na mga doktor at maging mga pasyente na nagpapatotoo sa pagiging epektibo ng gamot na ito para mapabilis ang paggaling ng isang nahawa sa COVID-19.

Nabatid ni Revilla na may hatid din itong proteksiyon na huwag mahawa sa naturang virus.


Paliwanag ni Revilla, sa pamamagitan nang pagsusuri na isasagawa ng FDA ay matitiyak ang “efficacy” ng Ivermectin at kung ano ang tamang paraan para sa kaligtasan nang paggamit nito.

Diin ni Revilla, hindi lamang mandato ng FDA, kundi obligasyon din na tingnan ang iba’t-ibang maaaring tugon at lunas sa COVID-19 tulad ng Ivermectin.

Facebook Comments