
Binuksan na ng Korte Suprema ang aplikasyon para sa mga kukuha ng Shari’ah Special Bar Examinations sa susunod na taon.
Ayon sa Supreme Court, nagsimula kahapon ang application period para sa 2026 Shari’ah Bar Exams.
Tatagal ito hanggang alas-singko ng hapon sa December 12, araw ng Biyernes.
Kaugnay nito, inilabas na rin ng Office of the 2026 Shari’ah Special Bar Chairperson ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting ang iba pang detalye gaya ng application fees at proseso ng pagbabayad.
Sa kaniyang mensahe naman, ipinaalala ni Justice Inting sa mga kukuha ng pagsusulit na maghanda nang mabuti at ilaan ang sarili sa responsibilidad na kaakibat ng propesyon.
Bahagi pa rin aniya ang mga hakbang na ito ng korte para mapalakas at mapabuti ang Shari’ah legal system sa Pilipinas.
Ayon sa SC, itinakda ang Shari’ah Special Bar sa May 24 at May 27, 2026.









