Manila, Philippines – Tatanggap na ang Judicial ang Bar Council (JBC) ng mga aplikasyon o nominasyon para sa mga bakanteng posisyon sa associate justices sa Court of Appeals (CA) at Court of Tax Appeals.
Sa abiso ng JBC, kailangang mapunan ang nabakanteng pwesto ni Justice Jose Reyes sa Court of Appeals matapos syang maitalagang Associate Justice ng Korte Suprema noong Agosto.
Kailangan na rin ng kapalit nina Associate Justices Magdangal De Leon at Renato Francisco na nagretiro noong Agosto at ni Associate Justice Romulo Borja na nagretiro noong September 11.
Ang dalawang bakanteng posisyon naman sa Court of Tax Appeals ay nalikha sa pagreretiro nina Associate Justices Lovell Bautista noong Agosto at Ceasar Casanova noong September 9.
Tatanggap ng aplikasyon o nominasyon ang JBC para sa mga bakanteng pwesto sa CA at Court of Tax Appeals hanggang sa February 4, 2019.