Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na minamadali na nila ang applications sa paglabas ng bansa ng mga dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) or Internet Gaming Licensees (IGLs)
Ayon kay Immigration Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado, bumuo na sila ng teams para personal na magtungo sa POGO at IGL companies.
Ito ay para sa mabilis na pag-downgrade sa visa status at sa pag-iisyu ng exit clearances ng POGO workers.
Ang mga dayuhang POGO workers ay binigyan hanggang October 15, 2024 para sa voluntarily downgrade.
Ang mabibigong mag-apply ay bibigyan ng 59 na araw para umalis ng bansa.
At kapag naman nabigo silang umalis ng bansa sa loob ng 59 na araw ay o bago mag- December 31, ay isasailalim sila sa deportation proceedings.