APLIKASYON PARA SA PROVINCIAL SCHOLARSHIP PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, PORMAL NANG BINUKSAN

Pormal nang binuksan ang pagtanggap ng aplikasyon para sa qualifying examination ng Provincial Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Noong araw ng Lunes, ika-7 ng Agosto ang umpisa ng pagtanggap ng mga kinakailangang requirements o dokumento para sa naturang scholarship kung saan magtatapos ang pagtanggap ngayong araw Agosto 18, 2023.
Ayon sa abiso ng probinsya, kailangang dalhin ng mga estudyanteng mag-aapply na mula sa anim na distrito ng probinsiya ang mga dokumentong gaya ng application form, photocopy ng form 138 na report card ng estudyante na may GWA o General Weighted Average na Hindi bababa sa 85%.

Dagdag pa rito, nakatakdang isagawa ang eksaminasyon sa September 16, 2023, alas otso ng umaga kung saan ang mga aplikanteng mula Districts 1, 2 at 3 ng probinsya ay mag-i exam sa Pangasinan National High School habang ang mga estudyanteng mula sa Districts 4, 5 at 6 ay kukuha ng pagsusulit sa Juan G. Macaraeg National High School.
Sa mga nais mag-exam sa scholarship na ito ay magtungo lamang sa Provincial Training and Development Center 1 sa bayan ng Lingayen. |ifmnews
Facebook Comments