Aplikasyon para sa sa August Career Exams, bubuksan na ng CSC sa susunod na linggo

Inanunsyo ng Civil Service Commission o CSC na maaari nang magsumite ng aplikasyon simula sa susunod na linggo, May 22 ang publiko para sa August 2023 Career Service Examination-Pen and Paper Test o CSE-PPT.

Sa abiso ng CSC, tatanggap sila ng aplikasyon para sa mga interesadong kumuha ng eligibility examination hanggang sa June 21, 2023

Sasalang naman sa pen and paper test ang mga aplikante sa darating na August 20, 2023.


Kaugnay nito, tiniyak naman ni CSC Chairperson Karlo Nograles na nakakasa na ang paghahanda ng komisyon sa inaasahang dami ng mga aplikante na kukuha ng eligibility exam.

Katunayan, natukoy na rin ang 97 testing centers sa 16 na rehiyon para sa susunod na Civil Service Exam.

Pinapayuhan ang mga interesadong indibidwal na makipag-ugnayan lamang sa CSC Regional Office o sa mga field office o bisitahin ang kanilang official website na www.csc.gov.ph.

Facebook Comments