Aplikasyon para sa Student Financial Assistance Program ng CHED, hanggang ngayong araw na lamang

Muling ipinaalala ng Commission on Higher Education  o CHED na Ngayong araw ng Martes (April 30) ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa Student Financial Assistance Program, para sa school year 2019-2020.

 

Sa mga oras na ito ay maraming estudyante sa punong tanggapan ng CHED sa Diliman, Quezon City para sa paghahain ng aplikasyon.

 

Sa CHED Main Office, nag-oopisina ang CHED National Capital Region O NCR at CHED Region IV-A o CALABARZON.


 

Pero sa abiso ng CHED CALABARZON, magtungo ang mga aplikante sa auditorium ng UP School of Statistics, sa T.M. Kalaw St., Diliman para maproseso ang aplikasyon.

 

Bunsod naman ng dagsa ng nga aplikante, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera III na simula sa susunod na taon o sa 2020, magpapatupad na ang CHED ng panibagong sistema sa pagsusumite ng aplikasyon ng mga nais maging iskolar.

 

Sinabi pa ni De Vera na magkakaroon na sila ng online application, at ang bawat CHED regional office sa buong bansa ay maglalagay na ng drop boxes kung saan maaaring ihulog ang application forms at iba pang requirements para sa financial assistance programs.

 

Noong Pebrero ng taong ito nagsimula ang pagtanggap ng CHED ng mga aplikasyon at Ang mga kumpletong naghain ng requirements ay ipo-proseso ng komisyon, para sa pagpili ng mga iskolar o benepisyaryo.

Facebook Comments