Aplikasyon para sa UPCAT 2024, hanggang bukas na lang!

Magtatapos na bukas, April 15, 2023 ang pagtanggap ng aplikasyon para sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) 2024.

Batay sa social media post ng U.P., nagpaalala ito sa mga nais makapasok sa unibersidad para sa academic year (AY) 2024-2025 na siguraduhing maipasa nila ang Form 1 application hanggang bukas.

Maaari ring ipasa ng mga aplikante ang kanilang mga katanungan kaugnay ng kanilang aplikasyon sa UPCAT 2024 Helpdesk – UP Office of Admissions Facebook Page mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na alas-10:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.


Ang UPCAT ay itinakda sa Hunyo 3 hanggang 4 sa 100 test centers sa buong bansa kung saan muli itong gagawin sa pamamagitan ng face-to-face matapos ang tatlong taon.

Nauna nang nagsimula ang UP na tumanggap ng aplikasyon noong Marso 8.

Facebook Comments