Aplikasyon para sa uutanging halaga ng pambayad sa 13th month pay ng mga MSMEs, bubuksan na simula sa December 21

Sisimulan ng buksan sa December 21 ang aplikasyon para sa uutanging halaga ng pambayad sa 13th month pay ng mga empleyado ng mga nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Small Business Corporation Spokesperson Ryan Lasso na tatanggap sila ng aplikasyon hanggang January 31, 2023.

Para maka-pagavail sa nasabing programa, dapat ang MSME ay may capital na hindi lalagpas sa isang daang milyong piso at hindi rin lalagpas sa isang daan at siyamnapu’t siyam ang mga tauhan.


Dapat aniya wala rin utang ang MSME mula sa nakalipas na kaparehong programa o kaya kasalukuyang nagbabayad.

Dagdag pa ni Lasso, wala rin dapat na lagpasan na bayad mula sa unang pagkakautang o maayos na nagbabayad.

Dapat din aniya may mga bagong aplikante ito.

Habang, sa mga dokumento naman ay sinabi ni Lasso na kailangan lamang na may maipakita 2022 mayor’s permit ang MSME.

Kung ang uutangin naman aniya ay hindi lalagpas sa P50,000 ay pwede na ang barangay clearance at business permit.

Ayon pa kay Lasso, kailangan din ng patunay ng bank o non-bank account, kung saan ipapadala ang uutangin kapag naaprubahan na ang aplikasyon.

Kailangan din ng SSS form na ginagamit ng mga negosyo para sa mandatory SSS contribution ng mga empleyado nito at valid ID.

Facebook Comments