Aplikasyon sa Special Permits kaugnay ng kuwaresma, binuksan na ng LTFRB

Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon para sa mga bus operators na gustong bumiyahe sa labas ng kanilang mga ruta sa panahon ng kuwaresma.

Layunin nito, na matiyak na matutugunan ang pagdagsa ng mga pasahero na magsisiuwian sa kanilang mga probinsiya.

Ayon sa LTFRB, hanggang sa March 13, 2020 ay tatanggap sila ng mga petisyon na gustong makabiyahe ng labas sa kanilang ruta at mabigyan ng special permits.


Maaring ihain ang aplikasyon sa Window 9 ng LTFRB Central Office sa Quezon City kalakip ng kumpletong requirements.

Kabilang sa mga requirement ang mga sumusunod:

– Verified Petition

– Latest OR/CR

– Franchise Verification

– Updated Personal Passenger Insurance

– Address ng terminal

Magkakabisa ang special permit mula April 5-13.

Facebook Comments