Ginawaran ng Palasyo ng Malacañang ng Presidential Medal of Merit sa Palasyo ang pinakamatandang mambabatok o tattoo artist sa bansa na si Apo Whang-od.
Ito ay bilang pagkilala sa ambag nito sa pag-preserba sa traditional tattoo, at pagpapakilala sa buong mundo ng Filipino Indigenous Culture.
Sa Honor Awards Program (HAP) ng Civil Service Commission (CSC), sinabi ni Pangulong Marcos na kinikilala ang mga kagaya ni Apo Whang Od, halimbawa ng serbisyo publiko na nagpakita ng namumukod-tanging pagganap sa trabaho at etikal na pag-uugali.
Pinuri ni Pangulong Marcos si Apo Whang-Od at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagprotekta sa kultura ng bansa.
Ipinagtibay rin ng pangulo ang layuning pagsiguro sa kapakanan at kaunlaran ng indigenous peoples sa bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas.