Apollo Quiboloy, hindi muna ipapadala sa Estados Unidos —PBBM

Kailangan munang harapin ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga kaso nito sa Pilipinas bago ipadala sa Estados Unidos.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos mahuli ang puganteng pastor kahapon.

Sa ambush interview kay PBBM, sinabi nitong wala pang extradition request mula sa Amerika para sa kustodiya ni Quiboloy.


Kasalukuyan ding may kinakaharap na kaso sa Amerika ang Kingdom of Jesus Christ Founder (KOJC) leader dahil sa kasong human trafficking at child abuse.

Dahil dito, nakalagay din si Quiboloy sa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Pero ayon sa Pangulong Marcos Jr., pahaharapin muna sai Quiboloy sa mga reklamong nakahain sa kaniya sa mga korte dito sa bansa.

Facebook Comments