Aabot sa halos 3,500 ang kabuuang bilang ng nagnanais maging hukom sa iba’t-ibang korte sa bansa
Kaugnay ito ng nakatakdang pagreretiro ng mga nakaupong hukom.
Sa final deliberation ng Judicial and Bar Council, nasa 118 na posisyon ang mababakante sa mga regional trial courts at municipal trial courts sa Regions 1, 3 at 4.
Sa tala ng JBC, nasa 3,436 ang mga aplikante sa ibat ibang posisyon kung saan 499 dito ay nagawan na ng nominasyon para pagpilian ng Pangulong Duterte.
Kabilang din sa mababakanteng posisyon ay tatlo sa associate justices sa Court of Appeals , isa sa Sandiganbayan at isa sa Supreme Court.
Hindi pa naman kasama sa listahan ng JBC ang nabakanteng pwesto ni dating Supreme Court Associate Justice Samuel Martires na nahirang na bagong Ombudsman.