Application at renewal ng passport sa November 13-15, kanselado

Manila, Philippines – Suspendido muna ang application at renewal ng passports mula November 13 – November 15.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), makaraang ideklara ng Palasyo ng Malakanyang na Special Non-Working Day ang mga nabanggit na petsa bilang pagbibigay daan sa 31st Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.

Kasunod nito, nilinaw ng DFA na hindi na kailangan pang magpa-reschedule ang mga nakatakdang mag-apply o magpa-renew ng mga pasaporte sa mga nabanggit na petsa at sa halip ay tatanggapin nila ito mula Nobyembre 16 hanggang 29.


Magbubukas naman ang ASEAN Consular Office ng DFA sa Pasay City sa Nobyembre 18, Sabado, para sa mga nagnanais kumuha ng pasaporte mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Gayunman, binigyang – diin ng DFA na magpapatupad sila ng special rate sa nasabing petsa kung saan aabot sa P1,200.00 ang dapat bayaran.

Facebook Comments