Manila, Philippines – Muling iginiit ng Power Consumers Group na ibasura ng Energy Regulatory Commission o ERC ang application ng 7 Power Supply Agreement sa pagbili ng 3,551 megawatts na supply na kuryente sa mga coal plants na ang ilan ay itatayo pa lang.
Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa legal counsel ng Power for Peoples Coalition ,bukod sa malaking pinsala na idudulot ng Coal Plants sa kapaligiran at kalusugan ng tao, nabahiran anila ng iregularidad ang pagkakapasa ng Power Supply Agreement tulad ng hindi pagdaan sa bidding .
Kumpara sa Coal Plants, mas katanggap-tanggap pa sa mga consumers ang renewable energy tulad ng Solar na bukod sa mura ay ligtas at walang idudulot na masamang epekto sa buhay ng tao.
Plano na rin ng Consumers Group na idulog sa Korte Suprema ang usapin para lamang hadlangan ang operasyon ng 7 Power Supply Agreement kasabay ng apela sa kongreso na imbestigahan ang anilay maanomalyang transaksyon ng MERALCO sa Energy Regulatory Commission sa usapin ng pagbili ng karagdagang supply ng kuryente.