Application para sa lifetime mobile phone numbers, magsisimula sa January 2020

Maaari nang makapag-apply sa Enero ng susunod na taon ang mga subscriber na nais lumipat ng telecom service provider pero nais panatilihin ang kanilang mobile phone numbers.

Ito ay sa ilalim ng Republic Act no. 11202 o Mobile Number Portability Act.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio – humihingi ang mga telco ng anim na buwan bago isagawa ito.


Ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng batas ay epektibo sa July 2, 2019.

Nakasaad sa IRR, bawat subscriber na mag-a-apply para sa mobile number portability service ay dapat kwalipikado sa mga sumusunod na terms:

  • Wala dapat outstanding financial obligation mula sa donor provider
  • Ang mobile number na ginagamit ay hindi naka-lock sa anumang telco
  • Kailangang lumagpas ng 60 calendar days mula sa petsa ng activation ng phone number
  • Walang nakabinbing request for transfer of assignment ng mobile number
  • Walang utos mula sa korte na nagpapahinto sa mobile number porting
  • Hindi naka-blacklist sa service provider dahil sa fraudulent activities

Iginiit ng National Telecommunications Commission o NTC na wala dapat isisingil mula sa mga subscriber na mag-a-apply para sa naturang serbisyo.

Facebook Comments