Muling binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang application para sa mga Transport Network Company (TNC) upang makakuha ng accreditation.
Nais ng ahensya na palawakin ang kumpetisyon sa mga TNC upang mapabuti ang kakayahan ng mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa gitna ng pandemya.
Kailangang lamang ng aplikante na magsumite ng mga requirements at pagbabayad ng Php 30,000 na accreditation fee upang ma-qualify sa accreditation ng LTFRB.
Sa sandaling maaprubahan na ang application ng isang TNC, bibigyan sila ng accreditation na tatagal ng dalawang taon.
Maaaring ma-renew o masuspinde ang accreditation base sa evaluation ng TNC sa pagsunod sa mga polisiya ng LTFRB.
Facebook Comments