APPLICATION SLOTS PARA SA MARCH 2023 CIVIL SERVICE EXAMINATION, PUNO NA AYON SA CIVIL SERVICE COMMISSION REGIONAL OFFICE 1

Dahil sa dami ng mga nagnanais makakuha ng pagsusulit sa Civil Service para sa March 2023 examination puno na ang application slots nito ayon sa Civil Service Commission Regional Office 1 kahit hindi pa naabot ang huling araw ng filing period nito na ngayong January 25.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Western Pangasinan Field Office Regional Director Flordeliza Bugtong, maagang napuno ang kanilang listahan o slots para sa paparating na eksaminasyon sa buwan ng Marso kung saan naabot na ang maximum 6, 900 na examinees para dito.
Aniya, December 14-21, 2022 ay inilaan ng komisyon para sa mga nakansela ang kanilang examination noong March 2020 kung saan binigyan umano sila ng prayoridad at kanilang tinanggap ulit ang aplikasyon ng mga ito.

Ayon pa sa opisyal, December 22, 2022 umano ang umpisa ng kanilang pagtanggap ng mga regular applicants at dinagsa sila ng mga aplikanteng nagpunta sa filing area.
Para makontrol ang mga aplikante, naglabas ang komisyon ng queuing number at binigyan ang mga ito ng schedule of date para hindi umano magsiksikan at dahil baka hindi umano sila mabigyan ng serbisyo sa araw na yun.
Samantala, ang mga paaralan na gagamitin sa examination ay ang Pangasinan National High School, Pangasinan State University Lingayen Campus, Pangasinan School of Arts and Trades O PSAT at Lingayen 1 Central School kung saan ito umano ang mga available na paaralan para i-accommodate ang libu-libong bilang ng mga aplikante.
Paalala naman ng opisyal na sa mga hindi nakahabol para makakuha ng exam ay huwag mag-alala dahil mayroon rin naman umanong mga susunod na date application para sa pagkuha ng Civil Service Examination. |ifmnews
Facebook Comments