Manila, Philippines – Hahawakan na ni Associate Justice Amparo Cabotaje-Tang ang kaso ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nahaharap sa kasong Anti-Graft and Corruption Act at paglabag sa usurpation of official functions.
Si Cabotaje-Tang ay inappoint noon ni P-Noy sa Korte Suprema.
Kasunod ito ng pag-raffle ng Sandiganbayan 3rd division sa kaso ni Aquino.
Ang mga kasong kinakaharap ng dating Pangulo ay may kinalaman sa Mamasapano incident kung saan namatay ang SAF 44.
Matatandaang kinuwestyon ang pagtatalaga noon ni P-Noy kay former PNP Chief Alan Purisima na pangunahan ang Oplan Exodus dahil suspendido na ito noong mga panahong iyon.
Facebook Comments