Hindi pinalampas ng Gabriela Women’s Parry ang pagtalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kay Atty. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
Diin ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, “extremely poor choice” si Gadon para sa posisyon.
Ayon kay Brosas, ang paggamit ni Gadon ng mga bulgar na lenggwahe, pagkakaroon ng disbarment cases at umano’y pagiging certified red tagger ay sumasalamin sa katawa-tawang paraan ng administrasyon sa pagtugon sa kahirapan at kagutuman sa bansa.
Ayon kay Brosas ang paglikha ng bagong posisyon sa ehekutibo para pwestuhan ng mga taong hindi naman kwalipikado ay hindi makakapagbigay-solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.
Facebook Comments