Manila, Philippines – Naghain ng petisyon sa Supreme Court en banc si Atty. Oliver Lozano para hilingin na ideklarang void ang appointment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ipinunto ni Lozano ang aniyay kabiguan ni Sereno na tumalima sa mandatory legal requirements sa appointment ng punong mahistrado.
Tinukoy din ni Lozano ang impeachment complaint na kinakaharap ni Sereno na nag-ugat sa betrayal of public trust at sa kuwestiyonableng appointment nito.
Ang naturang kaso aniya ng Chief Justice ay nagdulot ng malaking eskandalo at pagkakahati-hati sa hudikatura.
Naniniwala si Lozano na ang pagpapawalang bisa sa appointment ni Sereno ang magpapanatili sa independence ng hudikatura.
Tinukoy din ni Lozano ang nakapaloob sa Article 5 ng Civil Code o “any act against a mandatory or prohibitory provision of law is void”.