Appointment ni retired AFP chief General Año bilang undersecretary ng DILG, pinirmahan na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi na pinagpahinga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año.

Nitong Huwebes, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang kanyang appointment paper para sa posisyong undersecretary sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Kahapon, inilabas ng Malakanyang ang opisyal appointment paper ni Año sa DILG para tulungan si Interior and local Government Officer-In-Charge Catalino Cuy sa pagpapatakbo sa Philippine National Police.
Nabatid na hihintayin lang ni Año ang one year ban bago ito tuluyang maupo bilang kalihim ng DILG dahil sa batas na nagbabawal na siya ay italaga bilang head of agency pagkatapos ng kanyang retirement sa serbisyo.

Facebook Comments