Tinanggap na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary Manny piñol bilang pinuno ng Mindanao Development Authority (MINDA).
Matatandaang nagpulong sina Pangulong Duterte at mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa Malacañang noong Miyerkules para ikonsulta ang appointment ni Piñol.
Ayon kay BTA Interim Chief Murad Ebrahim – ‘unpopular’ si Piñol sa Bangsamoro people dahil sa pagtutol nito sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na idineklarang ‘unconstitutional’ ng Korte Suprema noong 2008.
Gayunman, prerogative umano ng Pangulo kung sino ang nais nitong maging “point man” ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
June 27 nang naghain ng courtesy resignation si Piñol at sinabing handa siyang simulan ang kanyang trabaho sa MINDA sa August 1.