Manila, Philippiens – Hindi kinumpirma ng Commission on appointments o CA ang pagkakatalaga ni Secretary Rafael Ka Paeng Mariano sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Ito ang naging resulta closed door na botohan na ginawa ng mga miyembro ng CA-Committee on Agrarian Reform na pinagtibay sa CA plenary.
Sa kanyang talumpati ay sinabi ni CA – Committee Chairman Senator Tito Sotto III na pangunahing ikinonsidera sa kanilang pagpapasya resulta ng tatlong confirmation hearings kay Mariano.
Gayundin ang panig ng 11 oppositors o tutol sa kumpirmasyon ni Mariano at 24 na nag-endorso dito.
Ikinonsidera din aniya sa kanilang desisyon ang joint resolution ng regional development council at regional peace and order council na nagsasabing sangkot si Ka Paeng sa pag-atake ng New People’s Army o NPA sa pasilidad ng Lapanday Foods Corp sa Davao City noong buwan ng Abril.
Sa nabanggit na resolution ay ilan sa nakapirma sina AFP Chief Gen Eduardo A ño, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Davao City Mayor Sara Duterte.
Matapos ma-reject ng CA, ay ipinangako ni Mariano na magpapatuloy siya sa pagkilos at paglaban para sa mga magsasaka at taumbayan at sa tunay na reporma sa lupa at kapayapaan.
Giit ni Mariano na darating din ang araw na magsasaka naman ang mananaig.
Para kay Mariano, nanaig ang intres ng mga negosyante, landlords at malalaking korporasyon laban sa intres ng mamamayan.