
Inilabas na ng Malacañang ang appointment paper ni bagong Acting Director ng National Bureau of Investigation (NBI) Angelito Magno sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Batay sa dokumentong nilagdaan nitong December 2025, pormal na hinirang ang opisyal upang gampanan ang tungkulin bilang Director VI ng NBI alinsunod sa umiiral na mga batas.
Naka-address ang dokumento sa isang opisyal ng DOJ para sa proseso ng pagpapatala at pagkuha ng kopya ng kanyang Oath of Office ng Office of the President at Civil Service Commission (CSC).
Nilagdaan ang appointment document ng Pangulo at may certified copy stamp mula sa Malacañang Records Office bilang patunay ng pagiging opisyal ng naturang dokumento.
Facebook Comments









