Appointment papers ng 278 na newly promoted senior officers ng AFP, natanggap na ng Commission on Appointments

Hawak na ng Commission on Appointments o CA ang appointment papers ng 278 na mga bagong promote na matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel, pangunahin sa mga ito si Maj. Gen. Rommel Roldan na nai-promote sa ranggo na lieutenant general at kasalukuyang AFP Deputy Chief of Staff for Personnel.

Sabi ni Pimentel, nasa 202 bagong colonels, 45 new naval captains at 30 newly promoted generals and flag officers ang nakabinbin pa sa listahan na kailangang aprubahan ng CA.


Hinihikayat naman ni Pimentel ang publiko na magsumite sa CA Secretariat, ng anumang impormasyon, written reports, o sinumpaang reklamo laban sa mga appointee.

Magugunitang noong nakaraang taon ay ibinasura ng CA ang promotion ng isang Philippine Army colonel para sa ranggong brigadier general makaraang magsumite ang kanyang miss ng reklamo ng pang-aabuso, pangangaliwa, at hindi pagbibigay ng pinansyal na suporta sa kanilang mga anak.

Facebook Comments