Appointment papers nila Governor Diokno, Noel Tijam at isa pang bagong opisyal isinapubliko na ng Malacañang

Inilabas na ng palasyo ng Malacañang ang appointment papers nila dating Budget Secretary Benjamin Diokno na una nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

Inilabas na rin ng Malacañang ang appointment ni dating Supreme Court Associate Justice Noel Tijam bilang bagong miyembro ng Judicial and Bar Council kung saan siya ang kakatawan sa academe.

Isinapubliko narin ng malacanang ang pagtatalaga ni Pangulong Duterte kay Rex Maria Arguelles Mendoza bilang Independent Director ng Board of Directors ng Philippine Health Insurance Corporation.


 

Hindi parin naman ipinalalabas ng Malacanang ang appointment paper ni Justice Amy Lazaro Javier na itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema kapalit ni Justice Noel Tijam.

 

Samantala sa ngayon naman ay wala pang inilalabas ang Malacañang na impormasyon kung sino ang itatalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong Budget Secretary matapos mabakante ni Secretary Diokno.

Facebook Comments