Kanselado na ang lahat ng aktibidad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos itong tamaan ng trangkaso.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ini-reschedule na ang dadaluhan nitong luncheon ngayong araw para sa 50th Anniversary ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).
Hindi na rin makakadalo ang Pangulo sa 127th Founding Anniversary Celebration ng Philippine Army sa Capas, Tarlac, bukas.
Nabatid na simula kahapon, ay kanselado ang lahat ng appointments nito at sa mga susunod pang araw dahil sa trangkaso.
Hindi na rin nakadalo si Pangulong Marcos bilang panauhing pandangal sa Electronic LGU Caravan sa Quezon City kahapon.
Facebook Comments