Manila, Philippines – Ibinulgar ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., na inalok sila ng bilyon-bilyong pisong halaga ng kampo ni Budget Sec. Benjamin Diokno para manahimik na ang Kamara sa kinukwestyong 2019 budget.
Sa pagdinig kanina ng komite ni Andaya, sinabi nito na may lumapit sa kanya na isang kaibigan nila ni Diokno at inalok sila ng P40 Billion.
Ang nasabing halaga ay kukunin sa savings noong 2018.
Ito aniya ay balak ipamudmod sa mga kongresista kapalit ng hindi na bubusisiin ang pambansang pondo.
Paliwanag ni Andaya, ito ang dahilan kung bakit nila hinihingi ang mga dokumentong may kinalaman sa 2017 at 2018 budget.
Sinabi pa ni Andaya na noong taong 2017 ay mayroong savings na P209 Billion at P97 Billion noong 2018.