Approval mula sa FDA, hinihintay para sa pagsasagawa ng COVID-19 vaccine trials sa Pilipinas

Hinihintay na lamang ang approval ng Food and Drug Administration (FDA) para sa pagsasagawa ng clinical trials para sa mga bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Philippine Council for Health Research and Development Director Dr. Jaime Montoya, ang mga nais mag-participate sa clinical trial ay kailangang sumailalim sa detalyadong selection process.

Ang mga lugar na may high transmission ng COVID-19 ang ipaprayoridad.


Magkakaroon ng zoning kung saan bawat bakuna ay itatalaga sa isang partikular na lugar.

Kapag napili ang isang lugar, pipili ng mga residenteng sasailalim sa trials.

Magtatagal ang clinical trials ng tatlo hanggang anim na buwan.

Facebook Comments