Minamadali na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-apruba sa allotment ng mga Pilipinong naapektuhan ng wildfire sa Maui, Hawaii.
Layon nito na makatulong sa pagbangon ng mga Pinoy doon na naapektuhan ng trahedya.
Sa ngayon, patuloy naman na bumubuhos ang tulong sa mga nasalanta ng wildfire.
Kabilang sa mga nagbibigay ng ayuda sa mga Pinoy na nawalan ng tahanan at ilang mahal sa buhay ay ang Filipino community sa Hawaii.
Regular din silang binibisita at hinahatiran ng tulong ng Philippine Embassy sa Honolulu.
Facebook Comments