Approval ng ERC sa interconnection project ng Visayas at Mindanao hinihintay ngayon ng NGCP

Manila, Philippines – Bilang suporta sa priority program ng gobyerno hinggil sa island interconnections, ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay bubuo ng power sharing sa pagitan ng Visayas at Mindanao, isang hakbang patungo sa implementasyon.

Sa panayam ng RMN-Dipolog kay Regional Corporate Communications and Public Affairs Officer Elizabeth Ladaga, sinabi nito na naisumite na ng NGCP ang kanilang Visayas-Mindanao interconnection project o VMIP application sa (ERC).

Aniya, ang aplikasyon para sa provisional authority ay resulta ng NGCP-Commissioned Hydrographic Survey na ginawa noong buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre taong 2016.


Ang resulta ng survey ang nag-determina sa pinaka-viable na rota mula Cebu at mag-terminate sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Hinihintay na lamang ngayon ng NGCP ang sagot ng ERC sa kanilang hinihinging provisional authority.

Ayon kay Ladaga, kung walang mangyayaring aberya kanilang inaasahan na ito’y matatapos sa taong 2020.

Umaasa rin ang NGCP sa potential impact ng nasabing proyekto hindi lamang sa Mindanao kondi pati narin sa power stability sa bansa.

Facebook Comments