Kasabay ng pag apruba ng limited face-to-face class sa ilang paaralan sa bansa, aminado ngayon ang Commission on Higher Education (CHED) Region 1, na ang pagbibigay ng approval ng mga magulang para sa face-to-face ang isa dahilan at pinoproblema ng mga paaralan.
Iginiit ni Danilo Bose, OIC-Chief Education Program Specialist, CHED Region 1, ang approval ng magulang ang isa sa requirements para sa face-to-face classes at wala namang pilitan sa mga magulang kung papayagan o hindi maging sa mga institutions kung mag implementa ng face-to-face classes.
Inihayag naman ni Bose na mga fully vaccinated na ang kabilang sa mga limited face to face classes sa mga colleges and universities sa Region 1.
Bagamat, sa ngayon ay wala pang nag aapply na mga institutions sa Region 1 maging sa lalawigan ng Pangasinan sa panibagong approved new courses.
Ilan lamang sa mga kumpirmadong bagong approved na courses para sa limited face to face ay kinabibilangan ng Engineering & Technology, Hotel and Restaurant Management, Tourism Management, Marine Transportation at Marine Engineering.###