Approval rating ng Senado, tumaas sa Hunyo

Tumaas ang approval rating ng Senado sa buwan ng Hunyo batay iyan sa latest Pulse Asia Survey .

Higit kalahati o 53% ng mga Pilipino ang nagsasabing satisfied o kuntento sila sa performance ng Senado, mas mataas ito ng 8% kumpara sa 45% na rating noong Marso 2024.

Bumababa rin ang bilang ng mga Pilipino na “undecided” o hindi makapagdesisyon sa performance ng Senado sa 28% mula sa dating 34% habang ang disapproval rating ay bumaba rin sa 18% mula sa 21% ng kaparehong period.

Ang mataas na approval rating ng Mataas na Kapulungan ay lumilitaw sa buong bansa, 64% sa NCR, 64% din sa Visayas at 52% sa Mindanao.

Ang mataas na rating na ito ay sumasabay din sa pagiging produktibo ng Senado sa 19th Congress kung saan ayon kay Senate President Chiz Escudero, nasa 216 na mga batas ang naipasa sa 3rd regular session habang 96 bills ang nai

Facebook Comments