Approval ratings nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte, bumaba nitong Setyembre batay sa survey ng Pulse Asia

Bumaba ang approval ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio nitong Seteymbre.

Batay sa inilabas na survey ng Pulse Asia, bumagsak sa 65 percent ang approval ratings ni Marcos mula sa 80 percent nitong Hunyo.

Habang bumaba ng 11 points ang approval rating ni Duterte na nasa 73 percent mula sa 84 percent.


Bumaba rin ang approval rating nina Senate President Juan Miguel Zubiri na nasa 50 percent; House Speaker Martin Romualdez na nasa 41 percent at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na nasa 34 percent.

Isinagawa ang survey nitong Setyembre 10 hanggang 14 kung saan sumagot ang nasa 1,200 adult Filipino respondents.

Facebook Comments