APPROVE! | 8 sa bawat 10 millennial, kuntento sa pamumuno ni P-Duterte

Manila, Philippines – Walo sa bawat sampung millennial ang kuntento sa istilo ng pamumuno sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte base online survey ng Publicus Asia Inc. na “Pahayag.”

Sa nasabing survey, lumabas na 82 percent ng millennial o mga nasa edad 18 hanggang 36 ay aprubado at kuntento sa performance ni Pangulong Duterte sa unang dalawang taon niya bilang Pangulo ng bansa.

Pinakamataas din ang nakuhang approval rating ni Pangulong Duterte sa Mindanao na umabot sa 94 percent.


Isinagawa ang survey mula November 5 hanggang 12 gamit ang non-probability sampling method sa 1,200 respondents.

Facebook Comments