Manila, Philippines – Aprubado na ng Metro Manila Council ang dagdag-multa para sa mga motoristang lalabag sa illegal parking.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) – mula P200, itinaas sa P1,000 ang multa para sa mga nakaparadang sasakyan na may sakay na tao.
Kung mahuli namang nakaparada at walang sakay, P2,000 ang multa mula sa dating P300.
Pero paglilinaw ng MMDA, idadaan muna ang polisiya sa public consultation at pag-aaral ng traffic committee bago ito ipatupad.
Facebook Comments