Cebu – Inaprubahan ni Cebu Governor Hilario Davide III ang paglabas ng isang milyong pisong financial assistance para sa lokal na pamahalaan ng Naga City.
Ito ay para search, rescue, retrieval operations at iba pang relief and rehabilitation efforts kasunod ng nangyaring landslide noong Setyembre 20 sa Barangay Tinaan.
Bawat pamilya at kaanak ng mga biktima ng landslide ay makakatanggap ng ₱10,000 na financial assistance.
Ang provincial government at iba pang ahensya ay nagpaabot na rin ng food packs at health service sa mga survivor.
Facebook Comments