Asahan na ang long-weekend sa susunod na buwan kaugnay sa pagdiriwang ng Mahal na Araw ng mga Katolikong Pilipino.
Ideneklara kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na regular holiday ang April 10 araw ng Lunes.
Ibig sabihin mula April 6 hanggang April 10 ay walang pasok sa mga pampulikong tanggapan at eskwelahan.
April 6 at April 7 kasi ay pagdiriwang ng Mahal na Araw ng mga Katoliko, April 8 at April 9 naman ay Sabado at Linggo.
Pero ang April 9 ay Araw ng Kagitingan ngunit inilipat ito sa April 10 ng Palasyo kaya deklaradong regular holiday sa April 10 araw ng Lunes.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office magbibigay ito ng pagkakataon sa mga Katolikong Pilipino na magnilay-nilay.
Facebook Comments