APRUB! | Committee on constitutional amendments, pormal nang inaprubahan ang pagiging successor ng Vice President

Manila, Philippines – Pormal ng inaprubahan ng House Committee on Constitutional Amendments ang draft ng Federal Constitution kung saan magiging successor ng Pangulo ang Vice President sa oras na hindi na nito magampanan ang trabaho sa transition period.

Ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso, aprubado na nila ito matapos ang ginawang executive session kanina.

Magugunitang sa sesyon ng Kamara ay iminungkahi ni Cebu Rep. Raul Del Mar sa plenaryo na magkaroon ng pagbabago sa nabuong draft ng Kamara sa federal constitution.


Sinabi ni Del Mar na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa probisyon may kaugnayan sa line of succession.

Mismong si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang may nais na maibalik sa komite ang draft ng Saligang Batas upang maisama ang pangalawang Pangulo na magiging kapalit ng Presidente sa oras na hindi na ito kwalipikado sa tatlong taong transition period.

Mababatid na inalis ng komite ni Veloso bilang successor ang bise presidente dahil sa ongoing electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Facebook Comments