APRUB! | Paglalagay ng 4 na lamang na label at SRP sa mga bigas, aprubado na ng NFA Council

Manila, Philippines – Aprubado na ng National Food Authority Council ang tuluyan pagtanggal sa mga pangalan ng mga bigas sa mga pamilihan.

Sa isinagawang NFA Council meeting, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na sa huling linggo ng Oktubre nila target na ipatupad ang pagkakaroon ng apat na label ng bigas sa mga pamilihan.

Nanganghulugan ito na mawawala na ang mga binebentang Sinandomeng, Angelica at iba pa at papalitan na ito ng 4 na label na: Regular milled rice, well milled, long grain head rice at special rice.


Bukod dito, sinabi pa ni Piñol na aprubado na nila ang paglalagay ng Suggested Retail Price sa mga bigas at ang paglalalagay ng klasipikasyon kung imported o local rice pa ang binebenta.

Nakatakda naman muling magpulong ng NFA Council sa mga susunod na araw hinggil sa bagong kautusan matapos itong ibaba sa mga retailer.

Facebook Comments