Manila, Philippines – Inaprubahan na ng House committee on justice ang 10 panukalang batas na bubuo ng karagdagang branch ng Regional Trial Court (RTC) o Municipal Trial Court (MTC) sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay House Justice Chairman, Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali, pasado na ang house bills 2105, 2878, 6313, 6318, 6486, 6698, 6984, 6977, at 7345.
Sabi naman ni House Committee on Constitutional Amendments Chairperson Roger Mercado, inihain ang mga panukala base sa mga obserbasyon at hiling ng kanilang mga constituents.
Ipinasa ang mga panukala kahit mayroong pasubali ang Office of the Court Administrator (OCA) sa ilang measures.
Facebook Comments